Una sa Balita

Camacho nahalal na IWF EB member

0 294

Hangad ni Wushu Federation Philippines Secretary General Julian Camacho na tuluyang maging Olympic medal medal sport ang wushu tapos mahalal sa makapangyarihang Executive Board member ng International Wushu Federation.

Ibinoto si Camacho, treasurer din ng Philippine Olympic Committee, kasama ng iba pang mga opisyal para sa 15-katao kasapi ng IWF EB sa katatapos na World Congress sa Shanghai, China. Una nang naihalal si Camacho bilang Vice President ng Asian Wushu Federation.

Magsisilbi si Camacho sa world governing body sa loob ng apat na taon. Ang IWF ay may 154 na miyembrong bansa.

“As a Filipino, I am so proud to be a member of the Executive Board. I promised to work hard for the inclusion of wushu in the Olympic Games,” ani Camacho nitong Linggo.

Nakamedalya ginto ang bansa 2008 Bijing Summer Olympic Games sa China mula kay wushu artist Willy Wang. Pero ‘di kabilang sa medal tally iyon dahil ang wushu event ay isa lamang cultural presentation lang. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy