Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Calvin timeout sa dribol, bonding kasama pamilya

0 314

BONDING kasama pamilya ang pinagkakaabalahan ngayon ni Magnolia Hotshots star forward ‘The Beast’ Calvin Abueva habang hindi pa dumidribol ang ika-47 season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ibinahagi ng 2021 All Filipino Cup Best Player of the Confernce ang mga larawan ng kanilang bakasyon sa Boracay.

“Family is everything, ” sambit ni Calvin.

Sa instagram story naman ng misis nitong si Sam ay humirit ito sa basketbolista.

“Ilan pa ba gusto mo hon?” pabirong banat ng esmi ni Abueva.

Sa ngayon, anim na ang anak nilang mag-asawa na panay lalaki.

Marso nitong taon lang ipinanganak ang kanilang bunso. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.