Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Calvin multa na, suspendido pa

0 105

MULTA at one game suspension ang katumbas ng pagmamaktol ni Calvin Abueva.

Martes ay ipinatawag ni Commissioner Willie Marcial ang Magnolia forward sa PBA office para magpaliwanag.

Nang marinig ang panig ni Clavin at base sa rekomendasyon ng technical committee, pinagmulta siya ng P10,000.

Hindi rin maglalaro ang The Beast sa susunod na game ng Magnolia sa Philippine Cup, kontra Phoenix sa June 24 sa MOA Arena.

Unsportsmanlike conduct ang idinahilan ng liga dahil sa pagbangga at pambubuska kay Ginebra guard Nards Pinto.

Ejected 9 minutes pa sa fpurth quarter ang Best Player of the Conference ng nakaraang all-Filipino dahil may una na siyang ‘T’ sa laro.

Diretso siya ng dugout, nagbihis at umalis na ng MOA nang hindi natatapos ang 89-84 win ng Hotshots.

Paliwanag ng PBA, may parehong offense na si Calvin noong nakaraang season at nabigyan ng warning. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.