Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Calvin inararo Batang Pier

0 119

Mga Laro Ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
5:15pm — NLEX vs TNT
7:15pm — Meralco vs Converge

Kinumpleto ni Rome Dela Rosa ang perpektong pagsasagawa ng play sa pagsalpak ng isang tres sa natitirang 6.0 segundo upang itulak ang Magnolia Hotshots sa imporntanteng 80-77 panalo kontra NorthPort Batang Pier sa 2022 PBA Philippine Cup eliminations Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Hindi sinayang ni Dela Rosa ang pasa ni Jio Jalalon upang ipasok ang pampanalong tres na tuluyang pumigil sa dalawang sunod na kabiguan ng Hotshots matapos ang tatlong laro at patatagin ang karta sa isang ikot lamang na eliminasyon.

Ang tres ang tanging puntos ni Dela Rosa sa laro habang mayroon itong 3 rebounds at 2 assists.

Pinamunuan naman ni Calvin Abueva ang Magnolia sa tinipon na 23 puntos at 12 rebounds habang tumulong din si Paul Lee na may 12 puntos, 1 rebound, 4 assists at 1 steal kasama si Aris Dioniso na may 12 puntos, 9 rebounds at 2 blocks.

“Actually sa first two games ko, naninibago ako sa nakikita ko na iyan ang stats. Kasi nga kababalik ko lang sa injury, hindi ko pa talaga nakukuha ang rhythm ko sa game, pero iniisip ko palagi kung paano ko mai-iiprove ang laro ko,” sabi ni Abueva.

“It is a close game again, consistent kami sa close, but iyung sense of urgency in our consistency, nagawa namin sa effort ng players. It is all about the breaks of the game, breaks in the end game, We showed discipline in our game. We want that mental toughness,” sabi naman ni Magnolia coach Chito Victolero.

Nadungisan naman ang kartada ng NorthPort na nahulog sa ikalawang puwesto sa bitbit na 2-1 panalo-talo karta. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.