Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Calvin hahakot ng kampeonato

0 302

“GUSTO kong makakuha ng more championship.”

Ito ang deklarasyon ni Calvin Abueva isang araw matapos i-trade ng Phoenix Super LPG Fuel Masters sa Magnolia Hotshots kapalit ni Chris Banchero kasama ang dalawang draft pick kamakalawa.

Positibo si Calvin na sulit ang magiging tambalan ng ‘The Beast’ at ‘Angas ng Tundo’ kay Paul Lee, pati ang reunion nila ng dating kasangga sa San Sebastian na si Ian Sangalang.

Sina Abueva, Sangalang at Ronald Pascual ang binansagang ‘Pinatubo Trio’ ng Stags na nanalasa sa NCAA.

Pumasok sa PBA ang tatlo noong 2012, makalipas ang walong taon ay magkakampi na sina Calvin at Ian.

Si Pascual ay nawala sa liga noong 2018.

Pagkatapos ng trade, nakausap na raw ni Calvin sina coach Chito Victolero at team manager Alvin Patrimonio, kahapon ang unang team meeting niya sa Hotshots.

Wala ring masamang tinapay si Calvin sa Phoenix, nagulat lang ang The Beast nang malaman na iti-trade na pala siya sa Magnolia para kay Banchero.

“Sobra-sobra akong nagpapasalamat sa kanila,” pahayag ng do-it-all forward sa 2OT podcast.”Masakit na iwanan ‘tong Phoenix.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.