Una sa Balita

Caluag PH flag bearer sa Asiad?

By
0 121

Panlimang kandidato na si Fil-Am pedalpusher Daniel Patrick Caluag, pero baka sa kanya na matoka ang pagiging flag bearer ng bansa para sa 18th Asian Games (AG) 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Inamin kahapon ni Integrated Federation Cycling of the Philippines o PhilCycling president Abraham Tolentino, siya ring chairman ng Philippine Olympic Committee, na nirekomenda niya ang kanyang bata para sa nasabing prestihiyo at karangalan.

Nagbalik-delegasyon ang 2014 Incheon BMX champion nang maayos na ang transportasyon nito kasama ang utol na si Christopher at si Sienna Fines mula sa Los Angeles pa-Jakarta sa pag-reimburse ng Philippine Sports Commission.

Ninomina ni Tolentino si Caluag dahil aniya’y ito lang ang naka-gold sa 2014 AG, at gaya sa pagkilala kay equestrienne Mikaela Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworski na nag-gold sa 2002 Busan, siya ang nagdala ng watawat ng bansa sa 2010 Guangzhou Asiad.

Maging sa iba bansa ay umiiral na rin ang tradisyon, gaya aniya nang maging torch bearer ang maski may Parkinson’s disease na noong si Muhammad Ali (aka Marcelus Casius Clay) pero binigyan pa rin ng pribilehiyo ng United States Olympic Committee.

“Nasagi sa isipan namin na kung merong magdadala ng PHL flag, to recognize his achievement, siya lamang ang nag-deliver ng gold noong 2014. Whether mahina na siya o ma­lakas pa, siya ay justify na maging flag bearer,” ani Tolentino.

Unang mga kinunsidera sina 8-division world pro boxing champ Sen. Emmanuel Pacquiao, 2016 Rio de Janeiro Olympic weightlifting silver winner Hidilyn Diaz, NBA player Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers, at reigning Bowling World Cup queen Krizziah Lyn Tabora.