Una sa Balita

Caluag kapos sa Thai rider

0 314

KINAPOS si Filipino Olympian Daniel Caluag sa BMX race sa 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Tagaytay City Centrum kahapon.

Nakuntento sa silver­ medal si 32-year-old Caluag matapos siyang maungusan ni Komet Sukprasert ng Thailand na sumikwat ng gintong medalya.

Isa ring Thailander ang humablot ng bronze, ito’y si Somkid Haratawan.
Si Harbor City, Los Angeles, United States native Caluag ay nagwagi ng gold medal sa BMX race noong 2013 SEA Games.

Binigyan din nito ng ginto ang Pilipinas sa 2014 Asian Games. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy