Una sa Balita

Caloy Yulo ‘di nilandi ni Mark Bautista

0 736

Marami ngayon ang nagkakandarapa na mga fan, partikular ang kababaihan, sa Philippine representative sa gymnastics ng Southeast Asian Games (SEAG) na si Carlos Edriel “Caloy” Yulo. Maliban sa husay at pride na dala nito sa bansa, kapansin-pansin din ang charm nito. Dagdag na rin ang mala-pandesal niyang abs na ipinakita sa publiko kamakailan.

Dahil sa kanyang husay at karisma, marami talagang nakakapansin sa kanya to the point na kahit kagagawa lang niya ng account sa Twitter ay agad itong nabigyan ng verify badge.

Ibinahagi pa ni Caloy sa kanyang Twitter ang kanyang pagkatuwa nang mapansin siya ng isa sa mga tanyag na singer sa bansa na si Mark Bautista. Minessage siya ng singer at finollow din kaya naman sobrang flattered ang young athlete.

Pero sa ‘di mawaring dahilan, binigyan ito ng ibang kahulugan ng mga fan na sa halip na appreciation ang bigyang-diin ay ipinapalagay nilang paraan umano ito ni Bautista sa paglalandi o duma-da moves sa batang atleta.

Nalungkot at nagtaka ang batang atleta sa naging reaksyon ng mga fan. Nilinaw nito na dapat tingnan lamang ang mabuting side sa pagpansin sa kanya ng singer.

“It saddens me to see tweets about @iammarkbautista because of my tweet out of excitement. Kindness, message of encouragement and appreciation is not a sign of flirting. Let’s focus on #SeaGames2019 and winning as One,” ani Caloy.

Samantala, may isang fan naman na sinubukang pagaanin ang loob ng atleta at nilinaw na asahang magulo talaga ang mundo sa Twitter at dapat itong mag-focus na lang sa kanyang laban. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy