Una sa Balita

Caloy may ‘love letter’ mula sa mga grade 3 pupil

0 243

SOBRANG popular na talaga­ ni world gymnastics champion­ at 2020 Tokyo Olympics-bound Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo.

Kahit mga grade 3 pupil sa isang eskuwelahan sa Sta. Rosa, Laguna, gumawa ng sulat para sa gymnast.

Kuwento ng teacher na si Aeman Llantada, pinagawa niya ang kanyang mga estud­yante ng congratulatory letter para kay Yulo bilang ‘exercise for writing’.

“Hi, @c_edrielzxs! I teach Filipino to Gr. 3 kids and as their writing practice, I let them create congrats cards for you as you won in Japan last year. Told my kids I’d let you see the letters if I have the chance! Here are some of their sincere messages. Hope you like it!,” tweet ng guro.

“Congratulations po sa inyong pagkapanalo. Masaya po ako na nanalo kayo. Pinapanalo niyo po ang Pilipinas. Maraming salamat, Carlos,” ayon sa sulat ng isa sa mga mag-aaral.

Sumagot naman sa nasabing tweet si Caloy at nagpasalamat din sa mga bata sa kanilang mga ‘love letter’.

“Thankyou sir! And sa mga estudyante mo po so much love,” sey ni Caloy (@c_edrielzxs).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More