Una sa Balita

Caloocan to Makati trip ng PNR umarangkada na

By
0 211

Nagsimula na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) mula Caloocan hanggang Makati City, kahapon.

Sinabi ni PNR Spokesperson Jo Gero­nimo, magmumula ang tren sa Macario Asistio Station sa Caloocan patungong De la Rosa sa Makati City sa halagang P15 pamasahe.

Sa unang tantiya, aabutin lang ng 37 minuto ang 13 kilo­metrong biyahe.

Subalit sa unang pa­sada kahapon, inabot ng isa at kalahating oras ang biyahe nang magkaroon ng problema sa paglilipatan ng riles ng tren.

Marami ding mga tao ang nagtinda sa riles ng tren, kaya’t nabigla sa pagdaan ng sasakyan dahil sa 20 taon na kasing patay ang nasabing ruta.

Kung masusunod ang orihinal na estima, inaasahang makatutulong ito sa mga taong nagtitipid ng pasahe at nagmamadaling makarating sa Makati City lalo na’t matrapik sa mga kalsada sa Metro Manila.