Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Caloocan Medical Center isinara uli, 61 staff nagka-virus

0 311

Muling isinara ng pamahalaang lungsod ang Caloocan City Medical Center (CCMC) South, sanhi ng paglobo ng bilang ng mga medical staff at personnel doon na nagpositibo sa COVID-19 test.

Sa natanggap na report ni Mayor Oscar Malapitan mula kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, umabot na sa 61 medical staff at personnel ng nasabing ospital ang nag-positibo base sa resulta ng kanilang swab test.

Sinimulan kahapon ang pagsasara ng buong pasilidad ng CCMC South pati na ang Emergency Room at magbabalik ang kanilang operasyon sa Agosto 14.

Para naman sa mga out patient, maaaring magtungo ang sinuman sa Old City Hall Plaza ilang metro lang ang layo sa nabanggit na pagamutan dahil doon pansamantalang inilipat ang OPD.

Malungkot namang ibinalita ni Dr. Santos na overflowing capacity na ang CCMC para sa mga COVID-19 patient at hindi na sila tatangap pa, pero tiniyak naman nito na aasikasuhing mabuti ang mga pasyenteng naka-confined kahit pa hindi normal ang kanilang operasyon.

Sabi pa ng admistrador na naka-quarantine na o self-isolation ng 14 na araw ang kanilang mga staff na nag-positive sa virus.

Matatandaan na una nang sinara ang CCMC noong July 16 at binuksan matapos ang isang linggo. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.