Una sa Balita

Caloocan City top 8 sa pinakamababang crime rate sa bansa

By
0 85

Makaraang masangot sa iba’t ibang kontrobersya ang mga miyembro ng Caloocan Police Station, ipinagmalaki ni Mayor Oscar Malapitan ang pagkakatukoy ng Philippine National Police (PNP) ang lungsod na ito bilang Top 8 sa may pinakamamababang crime rate sa buong Pilipinas.

Base sa datos na inilabas ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management’s (DIDM) Crime Research and Analysis Center, nakapagtala ng 33.38% ave­rage monthly crime rate ang Caloocan City para makopo ang pang-walong puwesto.

Nanguna ang Ormoc City sa may pinakamababang crime rate na 16.24% sa ikinasang pananaliksik ng PNP-DIDM sa 36 na mga lungsod sa bansa mula Ene­ro hanggang Abril 2018.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Malapitan na tanging ang Caloocan City ang nakasama sa Top 10 lowest crime rate sa 17 lungsod sa National Capital Region (NCR).

Nangako ang alkalde na ipagpapatuloy ang pagsuporta sa Caloocan Police sa ilalim ni P/Sr. Supt. Restituto Arcanghel sa pagbibigay ng mga sasakyan, gamit, teknolohiya at allowance para sa mga pulis upang higit na maging epektibo ang pag­laban sa krimen.

Nitong nakaraang Pebrero, kinilala rin ng isang survey ng National Police Commission (Napolcom) na isa sa pinagkakatiwalaan ng publiko ang Caloocan Police sa mga estasyon sa Metro Manila.

“Kami po ay labis na natutuwa sapagkat nakikita na ang epekto sa pagtutulungan para mapababa ang krimen sa Caloocan. Lagi kong pinapaalalahanan ang ating mga pulis na palakasin ang police visibility sa pamamagitan ng pag-iikot para malabanan ang mga krimen,” ani Malapitan.

Magugunitang sinibak ni dating National Capital Regional Office (NCRPO) Chief at ngayo’y PNP Director General Oscar Alba­yalde ang may 1,000 pulis sa Caloocan Police Station, makaraang masangkot sa ibat-ibang kontrobersiya.(Orlan Linde)