Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Call center agent tumodo sa walwalan, tigok

0 71

Wala ng buhay nang madiskubre ng kanyang ina ang isang call center agent na pinaniniwalaang nasobrahan sa toma sa Malabon City, kahapon.

Kinilala ang biktima na si Armando, 30, binata, ng Bgy. Potrero.

Kwento ng ina ng 30-anyos na biktima, alas-2:00 ng madaling araw nang matuklasan nito na wala ng buhay ang anak sa loob ng tinutulagang shanty house.

Ayon sa ginang, bago ang insidente, iniwan nito ang anak na kainuman pa ang ilang kaibigan alas 10:00 ng gabi.

Makalipas ang 4-oras, nagising ang ina at tiningnan kung may nag-iinuman pa subalit wala ng tao.

Pinuntahan niya ang anak sa tulugan inakalang natutulog lang dahil nakadapa pero wala na itong buhay.

Sa imbestigasyon ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) wala namang sugat ang biktima palantandaan na sinaktan ito. Inaantay pa rin ng otoridad ang autopsy report nito. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.