Una sa Balita

Call center agent nagsakripisyo para maka-graduate ang GF

0 910

INALAY ng isang lalaki ang kanyang panahon at salapi para lamang makapagtapos ng pag-aaral ang kasintahan.

Isa lang bagger/messenger sa Savemore si Ador Adrian Gabrieles nang si­mulan niyang tustusan ang pag-aaral sa kolehiyo ng girlfriend na si Aira Arcamo.

Bago ma-endo sa pinapasukan, nagpaturo ng English sa kasintahan lalo pa’t nag-aaral ito ng Bachelor of Arts in English. Naglakas ng loob si Ador na mag-apply bilang call center agent subalit ilang beses na bumagsak sa initial interview pa lamang hanggang sa matanggap ito sa isang kilalang BPO company.

Dahil sa sobrang sakripisyo para sa girlfriend, marami umano ang nagsasabing tanga daw siya dahil baka dumating ang araw na makahanap ito ng ibang lalaki at magpakasal pero may paliwanag siya dito.

“Nais kong magkaroon ng magandang imahe ng isang mapagmahal na nobyo, may pangarap na asawa, at huwarang ama sa mga magiging anak namin sa mga mata nila,” katuwiran ni Ador sa Facebook post nito noong Marso 3. Idinagdag pa ni Ador na ginagawa niya ito dahil mahal niya si Aria.

“Ngayon, gagraduate na ang gf ko. Makakamit na nya ang pangarap nya. Makakapaglakad na sya ng may tapang at may lakas ng loob dahil sa April 14, ganap na syang degree holder. Mas daig ko pa ang nanalo sa lotto.”

Umabot na sa 65,000 likes at 38,316 shares ang kuwento ni Ador tungkol sa sakripisyo para makatapos ng pag-aaral ang kasintahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy