Una sa Balita

Call center agent, hinoldap

By
0 0

Hinoldap ng dalawang kilabot na holdaper ang isang babaeng call center agent habang ito ay nakasakay sa isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nanginginig na umiiyak pa nang dumulog sa tanggapan ng Makati City Police ang biktimang si Ronalyn Charcon, 33-an­yos ng Brgy. Olympia nang nasabing lungsod upang ireklamo ang ginawang panghoholdap sa kanya ng dalawang lalaki na armado ng baril.

Dakong alas-nuwebe ng gabi habang sakay ng jeep pauwi  nang sumakay ang dalawang lalaki na tumabi sa kanya at pinaggitnaan ito. Tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Nakuha sa biktima ang kanyang Samsung cellphone na nagkakahalaga ng P21,000 at P1,800 cash at mga alahas nito.