Una sa Balita

Call center agent ‘di nagbayad sa motel, kalaboso

By
0 5

Kalaboso ang isang call center agent matapos hindi ito magkapagbayad ng P1,500 bill sa motel  na kanyang tinuluyan kamakalawa sa Pasay City.

Ang suspek na nakilalang si Eugene Padilla, 40, ng  Unit 104 City Land Tower, Washington, Makati City ay nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell.

Sa report ng Pasay City Police, alas-singko ng hapon nang madakip ang suspect sa Aliw Inn Motel, na matatagpuan sa kahabaan ng F.B. Harrison Street ng naturang lungsod.

Siningil umano ng room boy ang suspek sa bill nitong P1,500 sa loob ng 12 oras na pag-check in sa motel ngunit wala itong maibayad. Nahaharap ngayon sa kasong Estafa ang suspek.