Calida nilaglag, Palasyo kinampihan ang DOF sa POGO tax
NANINDIGAN ang Malacañang na mayroong responsibilidad na magbayad ng buwis ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Inihayag ito ng Palasyo taliwas sa naging pahayag ni Office of the Solicitor General Jose Calida na hindi saklaw ng batas sa pagbubuwis ang nga nasa POGO industry.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nasa National Internal Revenue Code (NIRC) ang saklaw ng pagbubuwis sa domestic at foreign POGOs kaya malinaw na may karapatan ang estado na mangolekta ng buwis sa mga ito, kumpanya man o indibidwal.
Related Posts
“For POGOs considered as foreign corporations, they are taxable but only for income which they derived from sources within the country. This is pursuant to Section 23 chapter II of the NIRC,” ani Panelo.
Binigyang-diin ng kalihim na dapat singilin din ng buwis ang mga mangaggawa sa POGO dahil malinaw na nakasaad sa batas sa pagbubuwis na kasama ang mga ito sa mga may taxable income alinsunod sa nakasaad sa section 23 (A) &(D) ng NIRC.
Naunang kinontra ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang posisyon ni Calida. Giit ng kalihim, dapat patawan ng tax ang mga POGO.(Aileen Taliping)