Una sa Balita

Calida, Dominguez sabong sa POGO tax

0 309

KINONTRA ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang posisyon ni Solicitor General Jose Calida na ang mga Phi­lippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay hindi maaaring patawan ng buwis.

Ayon kay Dominguez, sakop ng Philippine tax laws ang mga POGO dahil ang serbisyo nila ay ginawa sa ating bansa.

“The situs of income is where the services are rendered. Thus, since POGOs are providing services to their counterparts in the Philippines, they are subject to income tax. The same is true for VAT, which also is imposed on services rendered in the Philippines,” ayon sa kalihim.

Nanindigan naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na taxa­ble ang aktibidad ng POGO dahil hindi naman sa labas ng Pilipinas sila nag-operate kundi sa bansa.

Maging si Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means, kontra sa sinabi ni Calida.

Ang posisyon ni Ca­lida ay pinadala sa Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at BIR.

Sinabi ni Salceda na bagama’t ang mga mananaya sa POGO ay mula sa ibang bansa, ang kanilang manpower at pasilidad ay nasa Pilipinas kaya’t dapat patawan ng buwis.

“At least 138,000 Mainland China workers roaming in Pasay, Las Piñas and Parañaque working for POGOs prove that these firms are operating inside Philippine territory and are deriving income from it,” saad ni Salceda.
Kinuwestyon din nito ang pakikialam ni Calida dahilan ang usapin ng pagbubuwis ay trabaho ng Kongreso.

Samantala, ina­prubahan naman ng House committee on ways and means ang panukalang batas para patawan ng 5% franchise tax ang annual gross income ng mga POGO.

Nakapaloob din sa panukala ang pagpapataw ng 25% witholding tax na may minimum threshold na P600,000 per annum sa suweldo ng mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO.

“This will raise P45 billion for the national government,” ani ni Salceda. (JC Cahinhinan/Dindo Mati­ning/Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy