Una sa Balita

Calbayog City nasa state of calamity

0 362

ISINAILALIM ang buong Calbayog sa state of cala­mity dahil sa pinsalang hatid ng bagyong Usman na kumitil sa buhay na tatlo katao at pagkawasak ng tirahan ng libo-libong pamilya.

Nitong Enero 1 ay inaprubahan ng city council ng Calbayog sa isang special session ang rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na isailalim sa state of calamity ang lungsod.

Kaugnay nito, aabot pa ng isang linggo ayon sa Department of Public Works and Highways na malinis ang mga kalsada na dulot ng pagguho ng lupa dahil sa bagyong Usman.

Sinabi ni Public Works Undersecretary Rafael Yabut ang mga baradong kalsada ay kinabibilangan ng Sta. Elena at mga bayan ng Tabo sa lalawigan ng Camarines Norte, Tiwi sa Albay at Daang Mahar­lika sa Camarines Sur.
Sa ulat ng kagawaran, may inisyal na P175 mil­yon halaga ang mga napinsalang imprastraktura sa Bicol region lamang.

Ang Albay, Camarines Sur at Camarines Norte ay naunang inilagay sa ilalim ng state of calami­ty matapos ang tropical depression na nagdulot ng mga pagguho sa mga komunidad sa gilid ng bundok.

Kasabay nito, pinayuhan ng kagawaran ang motorista na umiwas sa mga nabanggit na baradong mga daan. (Mina Aquino)