Una sa Balita

Calamity fund sa Pampanga ilalabas agad ng PCSO

0 247

TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na agarang maipalalabas ang nararapat na calamity fund para sa Pampanga na matinding tinamaan ng magnitude 6.1 na lindol noong Abril 22.

Ito ang nakita mismo ni PCSO Director Sandra Cam matapos ang personal na pag-iikot sa Porac, Pampanga at nakita ang naging pinsala ng lindol.

“Alinsunod sa direktiba ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay nandito ang PCSO para umalalay sa mga naging biktima ng earthquake, ibibigay na natin agad ang tulong para magamit kung kailan nila kailangang-kailangan at susunod na lang ang mga documentary requirements,” ayon kay Cam kung saan sa pakikipag-usap nito kay Porac Mayor Carling dela Cruz.

Siniguro ni Cam na matagal na ang araw ng Lunes, April 29 para matanggap nito ang ayuda mula sa PCSO.

“‘Yung tulong ng PCSO ay magiging depende sa lawak ng naging pinsala at sa dami ng pamil­yang naapektuhan kaya makakaasa ang lahat na may assistance sila na matatanggap mula sa PCSO.” dagdag ni Cam.

Ang ayuda ng PCSO ay direktang ibibigay sa Local Government Unit (LGU) na aaisite sa mga nangangailangang biktima.

Bukod sa calamity fund ay may medical assistance din na ibinibigay ang PCSO sa mga biktima na nasa ospital sa pamamagitan ng kanilang Individual Medical Assistance Program(IMAP). (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy