Una sa Balita

Calabarzon fast food, resto susukatin ang calorie ng binibentang mga pagkain

By
0 576

PLANO ng Department of Health (DOH)-CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) ang pag­lalagay ng calorie content sa mga kinakain sa mga fast food chain at restaurant sa Cavite.

Sa isang eklusibong panayam ng Abante kay DOH-CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo, makiki­pag-ugnayan sila sa local go­vernment upang gumawa ng isang ordinansa para maglagay ng calorie content sa mga pagkain sa lahat ng fast food chain at restaurant sa probinsya ng Cavite.

Layon nito na malaman ng isang tao sa pamagitan ng kanyang mga kakainin kung ilang calorie ng nasa isang pagkain o inumin ang dapat nitong i-intake upang mapangalagaan ang kalusugan.

Paliwanang ni Janairo na nakahiligan na ng mga tao ang kumain sa mga fast food chain particular ang french fries kung saan ito ay may 300 calories.

“Paano yan kung kakain ka ng tatlong beses sa french fries, nangangahulugan na 900 calories content na ito, paano pa yung pagkain mo ng chicken­ at pag-inom ng soft drink eh ang required lamang sa katawan natin ay 1,200 calories intake per person/day,” ayon kay Janairo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy