Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cahilig 2 taon pa sasakay ng Dyip

0 176

NINAIS manatili ni Andreas Cahilig sa team kung saan siya nagsimula bilang propesyonal.

Pumirma ang Fil-Swiss big man ng dalawang taong bagong kontrata sa Terrafirma ilang araw bago ang resumption ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elims sa darating na Pebrero 11.

Second round pick ng NorthPort sa 2017 PBA Draft, pero natagpuan ang tikas ni Cahilig sa Dyip, naging isa sa mga key player ni Terrafirma coach Johnedel Cardel.

Ang muling pagpirma ng 6-foot-6 banger mula sa EARIST ayng bumuong muli sa rotation ng koponan matapos mawala sina Matt Ganuelas-Rosser at Roosevelt Adams na nagpa-free agency.

Sinamahan si Cahilig sa paglagda ng manager nyang si Charlie Dy kay Terrafirma team manager Ronald Tubid.

Nagkasunod-sunod ang panalo ng Dyip sa nakaraang Philippine Cup, pero kinapos sa krusyal na yugto kung saan hindi nakapaglaro si Cahilig na nagka-ankle sprain.

May average siyang 7.5 point, 3.5 rebounds, at 1.2 assists para sa Dyip na may 1-4 record. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.