Una sa Balita

Caguioa 50-50 sa pagreretiro

0 385

WALANG malinaw na tugon si Mark ‘The Spark’ Caguioa sa mga ugong na malapit na itong magretiro sa PBA.

Pumirma ang 39-anyos na dating franchise player ng Ginebra at one-time Most Valuable Player ng liga ng isang taong kontrata sa Barangay Ginebra para sa 44th PBA Season pero marami ang nang-iintriga na ito na ang huli ng manlalaro.

“Parang 50-50 ako. It could be my last year and it may be not,” kuwento nito sa kauna-unahang PBA Media Day sa Solaire.

“I don’t want to think about it. Kung mawawala ako, makikita ninyo ‘yan, mawawala na lang ako. I’m not going to make any dramatic (fuss about it).”

Naga-average lang si Caguioa ng 9.8 minutes per game para sa 3.6 points at 2.2 rebounds sa nagdaang 43rd Season.

Gayunman, gumawa naman ito ng marka nang mapabilang sa 10,000-point club ng PBA, nakuha rin nito ang ika-pitong korona sa pagkakampeon ng Ginebra sa nagdaang Commissioner’s Cup.

No. 3 overall pick ng Ginebra si Caguioa sa 2001 PBA Annual Draft at nakamit ang MVP award pagda­ting ng 2012.

Pag-amin nito, mahirap lisanin ang mundong minahal niya sa napakahabang panahon.

“It’s hard for me to think about retiring. It’s hard to think about it,” sabi pa nito sa artikulong lumabas sa Spin.ph. “It’s hard to think about going away or retiring from the game.”