Una sa Balita

Caguioa 1 taon pang ‘mambobola’

0 355

WALA pang balak si Mark Caguioa na igarahe ang kanyang jersey, at least sa susunod na calendar year ng PBA.

Kaya sa 2020-21 season, makikita pa ng diehard Ginebra fans ang No. 47 jersey na tatakbo-takbo sa court, sisigaw-sigaw sa sidelines.

Kumpirmado, may isang taong kontrata pa ang kalahati ng ‘Fast and Furious’ sa crowd favourite ballclub.

“Si coach Al (Alfrancis Chua) bahala diyan!” natatawang pahayag ni Caguioa, 40, sa victory party ng Gin Kings sa Metrowal Tent sa Pasig Lunes nang gabi.

Mula nang tapiking 3rd pick overall noong 2001, hindi umalis sa Ginebra si Caguioa. Ang partner niyang si Jayjay Helterbrand, nagretiro na pagkatapos ng 2017 season.

Itinaas ni Caguioa ang pang-walo niyang championship noong Biyernes nang kalusin ng Gins ang Meralco sa limang laro, huli 105-93 sa PBA Governors Cup Finals sa MOA Arena.

“Coach Al pulled me aside, at sinabi niya he is giving me one more year,” dagdag ni Caguioa, ang league MVP noong 2012.

Papasok sa kanyang 19th season ang 6-foot-1 guard.

Kahit wala sa loob ng court, hindi matatawaran ang kontribusyon ng The Spark.

Bumaba na ang kanyang playing time, pero siya ang nagbibigay ng motibasyon sa mga teammate sa loob ng court hanggang dugout. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More