Cagayan vice gov sapol ng COVID-19

Inanunsyo nitong Sabado ni Cagayan Vice Governor Melvin Vargas Jr., na na-test siyang positibo ng COVID-19.
Sa Facebook post, sinabi niyang mayroon siyang mild case ng COVID-19 at asymptomatic.
Hindi binanggit sa post kung kailan siya tinest.
“Akin pong inaabisuhan ang lahat ng aking nakasalamuha na mangyari lamang na mag-isolate upang masiguro ang kaligtasan ng lahat,” anang vice governor.
Sinabi rin niyang ini-lockdown ang Vice Governor’s Office at Sangguniang Panlalawigan Office para sa disinfection. (Issa Santiago)