Una sa Balita

Cagayan River umapaw, mga residente lubog sa baha

0 390

ISASARA pansamantala ang ilang kalsadang papasok at palabas sa Tuguegarao City dahil sa patuloy na pag-apaw ng tubig sa Cagayan River.

Ayon kay Cagayan Police Provincial Office (CPPO) P/Col. Ariel Quilang, ipinagbawal muna ang mga heavy vehicle at tanging pinapayagan lamang ang mga sasakyang papunta sa Manila at vice versa na dumaan sa Buntun Bridge at Namabbalan Road.

Sinabi ni Quilang, bukod sa Tuguegarao City ay marami na ring mga bayan sa lalawigan ang lubog sa tubig baha bunsod ng mga pag-ulan na dulot ng tail end ng cold front.

Nagpaabiso na rin ang pamunuan ng Magat Dam na magpapakawala ito ng tubig na aabot sa 200cm kahapon.

Dito, inabisuhan ng CPPO ang mga residente na nakatira sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog sa Isabela at Cagayan na maaari pang madagdagan ang dami ng ire-release na tubig depende sa lakas pa ng ulang mararanasan sa magdamag.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng mga lokal na pamahalaan sa mga apek­tadong pamilya. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy