Una sa Balita

Cagayan niyanig ng magnitude 5.2

0 115

PINAGHAHANDA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga resi­dente ng Cagayan sa mga ina­asahang aftershock matapos tumama ang 5.2 magnitude quake sa lalawigan kahapon.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naramdaman alas-9:32 nang umaga at ang sentro nito ay sa Calayan, Cagayan

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 25km.

Malakas umano ang naging pagyanig kung saan naitala din ang Intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte, Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur.

Wala namang naitalang pinsala sa nasabing pagyanig su­balit nagbabala ang ahensiya sa posibleng mga aftershock. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy