Una sa Balita

Cagayan mayor pinalabas ng ospital

0 385

PINALABAS ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) si Piat, Cagayan Mayor Carmelo Villacete matapos mag-negatibo sa test sa coronavirus disease o COVID-19.

Base sa record ng CVMC, si Villacete, 59, ay nailista bilang patient PH2764 ng Department of Health (DOH) matapos ang inisyal na laborary test na naging positibo ang resulta.

Ayon sa CVMC, sa pagitan ng March 7 hanggang 27, ang alkalde ay nakitaan ng sintomas ng COVID-19 bukod pa sa hirap siyang huminga matapos magbiyahe galing Manila.

Noong Huwebes (April 2), ang alkalde ay nagpa-swab sample test at naging positibo ito sa nasabing virus.

Ayon kay CVMC chief Glenn Matthew Baggao, noong Linggo ng umaga, si Villacete ay pinalabas na ng CVMC matapos sumailalim sa paggagamot at quarantine. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More