Una sa Balita

Cagayan binaha

By
0 1

Hirap ngayon ang mga residente ng Baggao, ­Cagayan dahil sa pagbahang dinaranas sa kanilang lugar kasabay ng paglubog din sa baha ng tulay na nagdurugtong sa dalawang barangay.

Sa ulat ng pamahalaang lalawigan ng Cagayan, ­dalawang-araw nang hindi tumitigil ang pag-ulan ­dahilan para lumubog sa baha ang Abusag Bridge sa ­Barangay Annayatan.

Napag-alaman na ilang araw nang paralisado ang mga biyahe sa lugar dahil hindi madaanan ng mga motorista ang nasabing tulay na nag-uugnay sa ­Barangay Annayatan at Barangay San Jose matapos umapaw ang Fulay River.

Hanggang sa ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pag-ulan dahilan ng patuloy na pagtaas ng tubig sa ­nasabing ilog.

Gayunman, pinaalalahanan na ng Baggao munici­pal government ang mga residente doon na maging­ alerto at maingat para maiwasan ang anumang ­trahedya na idudulot ng pagbaha.