Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cafgu todas sa ambus ng NPA

0 50

Patay ang isang miyembro ng CAFGU habang sugatan ang isa pa at isa pang sundalo sa ambush ng mga rebeldeng New People’s Army sa Buenavista, Quezon Sabado ng tanghali.

Kinilala ang nasawi na si CAA Romar Mendoza Gono, 22. Sugatan naman sina CAA Bajamonde Listana Arne, 22; at sundalong si SSgt Victor Bulao Bartocillo, tubong Capiz at miyembro ng 85th IB ng Army.

Sa report ng Quezon PNP, nagsagawa ng Barangayanihan ang mga tauhan ng Buenavista municipal police station sa mga katutubong Aeta sa Barangay Del Rosario, at sinamahan ng mga army.

Papauwi na ang mga pulis at sundalo at nasa Barangay Batabat na nang pasabugan ng mga NPA ang hulihan ng military truck kasunod ng pag-ulan ng bala.

Nagkapalitan na ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde.

Agad isinugod sa Magsaysay Hospital sa bayan ng Lopez ang tatlo subalit ideneklarang dead on arrival si Gono.

Narekober sa ambush site ang mga improvised electronic device (IED) ignition paraphernalia kabilang ang nasa 20 metrong electric cord at dalawang battery. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.