Una sa Balita

CAFGU dinukot ng NPA

By ,
0 105

Isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ang dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army sa Sitio Landing, Pinagturilan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Kinilala ang tinangay na CAFGU na si Jonathan Manlabao.

Ayon kay Capt. Melchor Durante, tagapagsalita ng 2nd Infantry Division ng Phil Army, alas-6:30 ng gabi kamakalawa, habang kumakain ang mag-anak ni Manlabao, lima hanggang sampung mga armadong miyembro ng NPA ang pumasok sa bahay ng biktima at siya ay sapilitang tinangay.

“He was unarmed because he was off-duty,” saad ng asawa ng biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy