Una sa Balita

Cablitas bagong Philta president

By
0 97

Hindi naging sagabal sa eleksyon ng mga bagong direktor at opisyal sa Philippine Lawn Tennis Association (Philta) ang kawalan ng POC representative kahapon sa Ri­zal Memorial Tennis Center sa Malate, Manila.

Limang miyembro rin ng 12 sa Board of Directors ang hindi nakadalo pero hindi rin humadlang sa proseso na una nang pinaalam sa POC at Phi­lippine Sports Commission na kinatawan ni National Sports Associations (NSA)-Affairs head Teresito ‘Jonjon’ Fortaleza, Jr.

Ang mga nabotong 12 board members ay sina Salvador Andrada, mag-amang Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Dr. Pablo Olivarez at kamag-anak na si Edna Olivarez-Nguyen, Martin Misa at Manuel Misa at Julito Villanueva at Randy Villanueva, Gerard Maronilla, Jean Henry Lhuillier, Atty. Antonio Cablitas, at Romeo Magat.

Ang mga hindi nakadalo sa halalan ay sina Lhuillier, mga Villanueva, Maronilla at Mayor Olivarez bago isa-isang pinagbotohan ang posisyon ng pangulo na napunta kay Presidential Adviser on Investment Cablitas na naging PHILTA vice-president noong dekada 80.

Vice-president na si Martin Misa, treasurer si Olivarez-Nguyen at sec. gen. pa rin si Magat.

Ipinaliwanag ni Magat na hindi na nila maaa­ring kanselahin ang pro­seso na tatlong beses nang naiurong habang kakausapin nito ang POC dahil sa kanilang ipinaalam ang aktibidad sa pagpapadala ng sulat noong Mayo 17 pero Huwebes lamang ng gabi sumagot sa kailangang dokumento at ipapadala nitong representante.

“We will abide to whatever the POC required, nasa amin naman ang lahat ng dokumento para ipaliwanag sa kanila. Kaya lang ay paano namin maibibigay sa kanila ang mga hinihingi nila kung gabi bago ang eleksiyon nila ipapadala sa amin ang sulat,” esplika ni Magat.

Hinirit naman ni Cablitas, na nais niyang pag-isahin ang lahat ng mga kampo sa sports sa lawn tennis, kung kaya nila ibinoto ulit bilang miyembro ng PHILTA board ang grupo ni Lhuillier habang agad itong magsasagawa ng mga aktibidad upang muling buhayin ang sports.

“We don’t want deli­neation dito sa lawn tennis. Gusto natin mapagkaisa ang lahat para sama-sama natin matulungan na pagandahin muli at iangat ang sport,” wika ni Cablitas, na umaasang matutulungan ng kanyang mga kaklaseng sina Pangulong Duterte at si Department of Transportation Secretary Art Tugade sa kanyang mga programa. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy