Una sa Balita

Cabinet secretary feeling bagets

By
0 276

AGAW-PANSIN ang isang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang aktibidad na ginawa sa loob ng Malacañang noong nakalipas na linggo dahil sa ma­tingkad na kulay na medyas nito.

Mistula kasing pang-bagets ang suot ng kalihim dahil sa iba’t ibang kulay nito na animo de-colores.

Paano ba naman hindi mapapansin si sir eh nakaupo sila sa harapan ng entablado kasama ang Pangulo at kahilera ang iba pang cabi­net secretaries.

Habang nakaupo kasi si sir ay nakaa­ngat hanggang bukong-bukong ang pantalon kaya kitang-kita ang matingkad na medyas nito.

Biro tuloy ng mga pilyong miron sa Palas­yo, baka sa teenager na anak ni sir ang medyas at dahil nagmamadali ay isinuot na lang para makahabol sa aktibidad sa Palasyo, haha!

Pintahan n’yo na. Ang opisyal na ito ay isa sa pinagkakatiwalaan ng Presidente at binansagang ‘big boy totoy’. May letrang ‘A’, ‘V’ at ‘M’ sa kanyang pangalan at apelyido.