Una sa Balita

Cabinet secretary binaha ng reklamo

By
0 371

SINO daw itong opis­yal ng gobyerno na inu­lan ng reklamo hinggil sa mga maanomalyang proyekto umano sa kanyang tanggapan?

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, sangkatutak na dokumento daw ang ipinadala sa tanggapan ng government official para hingin na imbestigahan ang corrupt nitong tauhan.

Sa dami ng ipina­dalang papel, aba’y hindi na raw makikita ang mukha ng opis­yal kung ilalatag ito sa kanyang mesa.

Ang classic nito, wala naman daw kalatoy-latoy ang laman ng reklamo, kundi parang gawa lang ng nakatagay ng Empi Light.

In fairness sa government official, sumagot naman daw ito sa liham at ipinaliwanag na walang anomalya sa proyekto, matapos ang ika-20 padala sa kanya ng sulat.

Pintahan n’yo na. Ang government official na tinambakan ng dokumento sa kanyang opisina ay kilalang habulin ng mga mambabatas. May letrang “M” sa kanyang pangalan as in Matulis din siya sa babae. ­