Una sa Balita

Cabinet secretary allergic sa selfie

By
0 2,140

Kung may selfie  king sa Malacañang, mayroon ding “anti-selfie king” dahil allergic  itong makipag-selfie sa  mga  kasamahan sa gabinete.

Kapag nakakita  na itong si Sir ng mga  kasamahan sa gabinete na nagse-selfie  bago ang kanilang  cabinet meeting ay agad  umiiwas  ito na  mahagip  ng  camera.

Katwiran ni Sir, hindi siya  mahilig sa selfie dahil hindi  na aniya nito  “genre” ang  selfie-selfie.

Nabuking ang kawalan ng gana sa selfie ng opisyal nang minsang may isang  makulit na opisyal na nagpipilit na maki­pag-selfie kay Sir dahil sila na lang ang  walang selfie pic, pero nag-play hard to get  ito.

Pero dahil kinantiyawan ng mga  kapwa  gabinete, pumayag  na rin si Sir kapalit ng isang kundisyon, ­kailangang malayo para disimulado  kung  ano man ang ayaw ­nitong makuha sa tabas ng kanyang mukha.

Dahil magaling  ang nakipag-selfie na  opisyal, maayos naman ang kuha ni Sir at nakuntento sa kanyang selfie pic.

Kaya pala ayaw  ng  selfie  nitong  gabinete, hindi siya photogenic at mas mukhang ­bakulaw lalo na kapag  mali ang anggulo.

Nagmura pa nga itong si gabinete bago pumayag makipag-selfie dahil alam ­niyang pangit  ang  kalalabasan ng  kanilang  picture!

Ang opisyal na  ito ay isa sa  mga  pinag-iinitan ng mga kritiko at matagal nang  pinagre-resign dahil wala naman daw  nangyayari sa ahensiyang  kanyang pina­ngangasiwaan.

Lahat  ng problema sa ahensiya ay walang solusyon pero bilib pa  rin sa  kanya  ang  Pa­ngulo dahil hindi daw  tiwali  at  katunayan ay hindi daw maru­nong magbilang ng  pera  dahil bilyonaryo na ito. O, gets na n’yo?