Una sa Balita

Cabinet official dakilang alalay

By
0 850

NAGMUKHANG chaperone o alalay ang isang opisyal ng gobyerno dahil iba ang atensiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang dinaluhang aktibidad sa Visayas.

Paano naman kasi papansinin ng Presidente ang opisyal ay mas nawili itong kausapin ang isa niyang presidential appointee na talaga namang maganda at tisay.

Dapat si Cabinet secretary angpunong abala at nagbibigay ng briefing sa Pangulo tungkol sa proyekto pero nagmistula itong alalay at nasa likod lang dahil nasapawan siya ni tisay.

Aliw na aliw ang Pangulo sa pagbibida ng tisay na opisyal kaya naman ang drama ni Cabinet Secretary ay taga-tango at taga-suporta na lamang sa detalye ng katatapos na proyekto.

In fairness, humanga naman ang Presidente sa project at pinuri na isa ito sa pinakamagandang proyekto ng gobyerno.

Todo-kantiyaw din ang inabot ng kalihim sa Pangulo na tila wala umano sa wisyo dahil hindi alam kung paano siya ipakilala bago ito magtalumpati.

Paano naman kasi mga utaw, tila kasi nawalan ng papel si Mr. Secretary sa okasyon kaya iba ang naglalaro sa isip.

Magkagayonman, nagawa pa rin naman ni sir na ipakilala ang Pangulo pero mas lalo itong kinantiyawan ng kanyang boss kaya nanahimik na lang ito sa tabi.

Pintahan nyo na.

Ang opisyal na nagmukhang chaperone sa okasyon ay maraming hawak na proyekto at tadtad ng batikos. May letrang ‘U’ sa pangalan at apelyido at kahit taga-lugar ng mga makukunat, hindi daw ito kuripot!