Una sa Balita

Cabinet member trip ang showtime sa flag ceremony

0 448

SINO daw itong miyembro ng gabinete ang ina­antok kapag dumadalo sa flag raising ceremony ng kanyang tanggapan?

Base sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, napundi daw ang opisyal sa nakakaantok na flag raising ceremony kaya’t inatasan ang kanyang mga staff na guma­wa ng perfomance sa susunod na linggo.

Aba’y gusto yata ng opisyal na pagkatapos ng maitaas ang bandila ng Pilipinas, may magsasayaw ng tinikling, pandanggo sa ilaw o kuratsa.

Malamang na type din niyang makitang may mag-perform ng street dance, ballet o kantahan.

Mukhang hindi type ng opisyal na mag-exercise o mag-zumba ang mga staff pagkatapos ng flag raising dahil ang gusto niya ay ‘yung maka­gising na performance ng kanyang mga empleyado.

Pintahan niyo na. Ang Cabinet member na nababanas sa nakakaantok na flag raising ceremony ay may letrang P sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy