Una sa Balita

Cabinet member namumuro na kay Digong

0 623

ISANG miyembro ng gabinete ang namumuro na umano kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dami ng mga sumusulpot na kontrobersya sa kanyang tanggapan.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na gusto na nga raw sibakin ng Pangulo ang cabinet member dahil umaalingasaw na ang kurakutan sa nasabing ahensiya ng gobyerno.

Inarbor lang daw ng isang politiko ang ulo ng cabinet member na muntik nang maging tambay pagpasok ng Bagong Taon.

Itong politiko ay kilalang mala­kas sa administrasyon at nag-ambag din sa kandidatura ng Pangulo noong tumakbo ito noong 2016 presidential election.

Masasabing ito na raw ang final warning sa cabinet member dahil kung may lilitaw pang ibang alingasngas ay baka hindi na makapagpigil ang Pangulo.

Pintahan niyo na. Ang cabi­net member na namumurong masipa sa puwesto ay late bloomer. May letrang M sa kanyang pangalan as in Money o mapera.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy