Una sa Balita

Cabinet member in-appoint dahil palamura

0 637

KAHIT walang backer, naluklok sa puwesto ang isang Cabinet member dahil sa kakaiba niyang kuwalipikasyon

Bagama’t nakapagtapos naman ito sa mga kilalang eskuwelahan at nakapagtrabaho na rin dati sa gobyerno, hindi ito ang nakita sa kanya ng taong nagluklok sa kanya sa puwesto.

Nagustuhan daw kasi ng Pangulo ang pagiging palaban nito at bukod dito ay palamura din ito hindi lang sa mga pribadong pagtitipon kundi pati na rin sa publiko.

Hindi naman daw nagsisi ang Pangulo sa pag-appoint niya sa Cabinet member dahil sa masipag naman ito at hindi gumagawa ng kalokohan sa kanyang tanggapan.

Pintahan n’yo na. Ang Cabinet member na na­ging tiket ang pagmumura sa government service ay madalas makita sa telebisyon. Ang pangalan niya ay katunog ng isang stuffed toy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy