Una sa Balita

Cabinet member atat nang mangampanya

By
0 1,847

Posibleng mabakante sa susunod na mga araw ang puwesto ng isang cabinet secretary para maagang paghandaan ang kanyang ambisyong makasampa sa senado.

Nagpaalam na kasi mga utaw itong si Secretary kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kagustuhan nitong maging senador sa darating na eleksiyon sa 2019.

Kung tutuusin, masyado pang maaga para magparamdam itong si sir sa mga botante pero mayroon na itong nasimulan na hindi naman kaagad malilimutan ng mga botante.

Katunayan, namumuhunan na itong si secretary sa mga paglilibot-libot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dahil palagi silang bitbit ni Pangulong Duterte at maging sa abroad kaya tiyak na ang boto nito mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Pero ang mala­king tanong ay kung papayagan ba ng Presidente itong si secretary na umalis ng maaga sa gabinete dahil kuntento ito sa performance ni sir, at katunayan ay siya ang nagpatupad sa isa sa mga campaign promise nito.

Itong si secretary ay dating kaklase sa law school at kaibigan ng Presidente at todo-puri pa dahil sa mga pinagdaanan nila noong mga estudyante pa ang mga ito.

Taga-Luzon ito at batay sa kuwento ng Presidente, partners in crime sila sa mga kalokohan noong mga estudyante pa sila at isa sa pinaka-matipid na nakasama sa dormitoryo kaya pati toothbrush ay gamit ring pang-brush ng kanyang sapatos!

Siya ay si secretary B as in katunog ng isang maingay na metal!