Una sa Balita

Caballero sumagwan ng gold sa HK

By
0 244

NAKASAGWAN ng tig-1 gold at bronze medal ang 3 sa mga 11 mga bata nina Philippine Rowing Association president Quintin Pastrana at national coach Edgardo Maerina na kumampanya sa 2018 Asian Rowing Coastal Championships nitong Nobyembre 23-25 sa Victoria Harbour, Hong Kong.

Tagumpay si Melcah Jen Caballero sa Women’s Solo Sculls (CW1x) sa 3 araw na patimpalak na nagsisilbing panghimagas ng dating Crown Colony para sa muling pagkakaabalahang 2019 World Rowing Coastal Champion­ships.

Kumakasa namang tumersera sina Roque Abala at Edgar Illas sa Men’s Doubles Sculls (CM2x) upang maipagpatuloy ng mga Pilipinong rower ang momentum tapos makapag-uwi ng  tig-1 silver at bronze medal naman sa 2018 Asian Rowing Junior Championships & Asian Cup II sa South Korea noong Hunyo.

Nakapuwestong ika-6 lang sa HK ang tambalan nina Joanie Delgado at Jemyka Taylan sa Women’s Double Sculls (CW2x) finals.

Umabot din sa finals pero mga hindi nagpatuloy ang ngiti ng tadhana para kina Cris Nievarez, Nestor Cordoveva, Zuriel Sumintac, Dennis Armenio at Kim Justin Marty Umali sa Men’s Coxed Quadruple Sculls (CM4x+).

Pati na rin kay Gabriel Lucas Reganit kahit umabot sa Finals B ng Men’s Solo (CMx1).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy