Una sa Balita

Caballero, Palou bibisita sa TOPS

0 159

SI Philippine Olympic Committee deputy ge­neral secretary Karen Tanchanco-Caballero at Premiere Volleyball League (PVL) head Ricky Palou kasama sina volley­ball stars Myla Pablo at Dzi Gervacio ang pana­uhin sa 22nd Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Magbibigay ng update si Tanchanco-Caballero, presidente rin ng Philippine Sepak Takraw Association, sa pagha­ha­n­da ng bansa sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sina Palou, Pablo at Gervacio naman ay pag-uusapan ang bagong season ng PVL sa Mayo 26.

Si Pablo, reigning PVL MVP at nanalo na ng tatlong korona sa liga, ay maglalaro na sa Motolite habang si Gervacio naman ang mangunguna sa Banko Perlas.

Makakasama rin sa weekly sports forum na ito ang Spikers’ Turf players na sina Rex Intal, Marck Espejo at Peter Torres ng Cignal.

Ang forum na ito ay iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy