Una sa Balita

Caballejo, Palomata kinabog ang Pacific

0 270

RUMATSADA sina Judy Ann Caballejo at Dell Palomata para pamunuan ang Air Force sa 28-26, 25-20, 26-28, 26-24 panalo kontra Pacific Town Army kahapon sa unang bakbakan ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Kumayod ng tig-15 puntos sina Caballejo at Palomata upang ibigay sa Lady Jet Spikers ang 8-8 win-loss card at ikalimang pwesto sa team standings.

Mayroon namang tig-15 markers sina Mary Ann Patino at Joy Gazelle Cases para sa Air Force.

Laglag sa 6-10 kartada ang Pacific Town.

“Mababa talaga ‘yung laro [namin] ngayon pero buti kinapitan pa rin nila [teammates],” ani Air Force head coach Jasper Jimenez.

“Blessing! Blessing pa rin ‘yun. Malaking advantage ‘yung wala si Jovelyn (Gonzaga).”

Wa epek naman ang 14 points ni Royse Tubino upang bigyan sana ng huling panalo ang Air Force para sa huling laro sa elimination round. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy