Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cabagnot haharurot sa Terrafirma Dyip

0 213

AT home na si Alex Cabagnot sa bago niyang team na Terrafirma.

Nakikipag-ensayo na ang veteran playmaker sa Dyip, ginagamay ang sistema ni coach Johnedel Cardel.

Matapos ang 11 seasons (2010-2014, 2014-21) sa San Miguel Beer, trinade si Cabagnot sa Terrafirma noong nakaraang linggo para kay Simon Enciso na nakuha din ng Dyip mula Blackwater.

Madadala ni Cabagie ang karanasan sa SMB na tinulungan niya sa siyam na kampeonato pinakahuli ang dalawa noong 2019 season – Philippine at Commissioner’s Cups.

Inaasahan nang ang 6-foot guard ang magmamaneho sa atake ng Dyip.

“Meron na kaming leader, ‘yung tipong magiging coach ko sa loob,” ani Cardel sa magiging papel ng bago niyang playmaker. “Kulang ko leadership sa point guard.”

Gumawa ng ingay ang Terrafirma sa nakaraang Philippine Cup sa Bacolor semi-bubble, nagkaroon ng stretch ng winning runs at ilan sa mga sinagasaan ang mga bigating Ginebra at SMB.

Nakibuhol sila sa Ginebra at Phoenix sa eighth place pagkatapos ng eliminations pero nalaglag sa playoffs dahil sa mas mababang quotient.

Simple lang ang misyon ng Terrafirma – makapasok sa quarterfinals umpisa sa papasok na PBA Governors Cup.

Umaasa si Cardel na magagawa nila ‘yun sa tulong ni Cabagnot, at ng bagong mukhang import na si Antonio Hester. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.