Una sa Balita

Cabagnot lifesaver ng San Miguel, Mr. Crunchman!

By
0 1,524

PINANGATAWANAN ni Alex Cabagnot ang bansag sa kanya bilang Crunchman nang balikatin ang San Miguel Beer sa endgame para sikwatin ang 104-99 win kontra Alaska sa PBA Commissioner’s Cup semifinals.

Tinapos ng Beermen ang series sa apat na laro, balik sa finals para idepensa ang korona­ laban sa mananaig­ sa hiwalay na serye ng Ginebra­ at Rain or Shine.

Walang lumamang ng higit sa five points sa first half ng Game 4 sa Smart Araneta Coliseum­ Linggo nang gabi, nagtulungan sina Renaldo Balkman, June Mar Fajardo at Chris Ross para panatiliin sa unahan ang San Miguel sa third at unang bahagi ng fourth.

Pagdating sa dulo, umeksena si Cabagnot nang ilista ang pito sa final 10 points ng Beer mula sa final 3 minutes.

Pinakamalaki rito ang step-back 3 na nagbigay sa SMB ng 100-92 lead 34 seconds sa laro. Nang huling manindak ang Aces 102-99 sa 3 din ni Simon Enciso 5 ticks na lang, sinelyuhan­ ni Cabagnot ang panalo sa pamamagitan ng ­dalawang free throws.

Off the bench ay tumapos si Cabagnot ng 18 points, nine assists, five rebounds at three steals.

“I’m happy to see Alex Cabagnot. ‘Yung kanyang pagiging clutch, kanina­ andun na naman,”­ ani coach Leo Austria­ matapos­ ihatid ang SMB sa pampitong finals ­appearance sapul nang rendahan noong 2014.

No. 6 ang Beermen pagkatapos ng eliminations, lowest seeded defending champion na nasa back-to-back finals berth sapul noong 2000 Governors Cup na sila rin ang nakagawa.

Nasa pang-40 championship trip ang San Miguel, hahabulin ang 26th title overall at pampito sa ilalim ni Austria na kapag nasa finals ay hindi pa pumapalya sa titulo.