Una sa Balita

CABAGNOT BIDANG-BIDA SA SMB

By
Napatingin na lang si Dave Marcelo ng Brgy. Ginebra kay Alex Cabagnot ng San Miguel Beer sa kanilang PBA Philippine Cup game kamaka­lawa sa Araneta Coliseum, kung saan nanaig ang Beermen, 72-70. (Patrick Adalin)
0 1

Kahit basag ang ilong, hindi pa rin kayang pigi­lan si San Miguel Beer playmaker Alex Cabagnot sa kanyang tikas sa paglalaro.

Bukod sa maskarang suot para protektahan ang injury sa ilong, walang nabago sa laro ni left-han­ded guard Cabagnot na may average 15.0 points, 4.5  rebounds at 3.0 assists para sa Beermen na lumagok ng 2-0 sa loob ng tatlong araw.

Kaya naman walang dudang sa kanya hinirang ang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week awardee sa 2017.

Abante Hiring – IT dep

Inungusan ni 34-year-old Cabagnot sina SMB teammates Arwind Santos at June Mar Fajardo, Jericho Cruz ng Rain or Shine, NLEX guard Carlo Lastimosa at high-scoring gunner Terrence Romeo ng GlobalPort para sa citation.

Medyo naiilang si Cabagnot sa suot niya habang naglalaro, nagawa pa rin nitong umiskor ng 10 points sa opening period para tulungan ang San Miguel na ibabawan ang Blackwater, 118-93, noong Biyernes.

Tumapos ang University of Hawaii-Hilo standout, Cabagnot, ng 14 points at siyam na rebounds laban sa Elite.

Kumana si Cabagnot ng 16 noong Linggo upang lasingin ng Beermen ang Ginebra, 72-70, at manatili sa tuktok ng team stan­dings hawak ang 7-1 card.

Kung nagkaroon ng surgery, mapipilitan si Cabagnot na hindi makalaro sa natitirang laban sa PBA Philippine Cup.

“And I’ll miss part of the Commissioner’s Cup (if he underwent surgery), but we’re in the middle of the season now and there are certain things you gotta do and you gotta take care of. Put the priorities at hand first,” ani Cabagnot.