Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Cabagnot alas ni Cardel

0 193

NAGHANAP ng matibay-tibay na sasandalan sa atake ang Terrafirma, nakita ‘yun kay Alex Cabagnot.

Umaasa si coach Johnedel Cardel na ang veteran playmaker na ang sasagot sa kakulangan ng Dyip para makapasok sa playoffs ang Dyip.

“Kailangan namin ng experienced point guard,” ani Cardel Sabado. “Malaking bagay ang point guard, lalo na katulad ni Alex na one of the top players in the PBA for the long, long time.”

Hindi matatawaran ang championship pedigree ni Cabagnot – 9 titles, lahat sa San Miguel Beermen. Pinamigay ng SMB ang 38-anyos na guard sa Dyip kapalit ni Simon Enciso.

Related Posts

“Siguro siya na ‘yung missing part namin paga makapasok sa quarterfinals,” panapos ni Cardel sa second pick overall ng Sta. Lucia noong 2005 na magte-39 sa Dec. 8 – mismong araw ng siklab ng Governors Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sa season-ending conference, ipaparada ng Dyip si PBA newcomer Antonio Hester, sa 6-foot-3 7/8 pinakamaliit ito sa torneo na may import limit na 6-6.

Uumpisahang ipasada ng Dyip ang mga bagong saltang sina Cabagnot, Hester at Justin Melton at Kyle Pascual sa Dec. 9 laban sa Phoenix.

Nakuha sina Melton at Pascual sa Magnolia kapalit ni rookie big James Laput. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.