Una sa Balita

Cabagnot 3-4 weeks mawawala

By
0 1,091

Hindi pa sigurado kung kailan makakabalik ang ace point guard ng San Miguel Beer na si Alex Cabagnot mula sa foot injury.

Hindi na sumipot si Cabagnot sa practice pa lang daw noong Enero 23 bago ang laro ng Beermen kontra GlobalPort kinabukasan sa Smart Araneta Coliseum.

May slight tear sa plantar area (talampa­kan) ng kanang paa ni Cabagnot pero hindi naman kailangang sumailalim sa operasyon.

“According to the doctor, he will be missing three to four weeks and probably next month pa siya makakalaro,” lahad ni SMB coach Leo Austria pagkatapos ng 107-93 win nila kontra Batang Pier.

Minanduhan ni Brian Heruela ang pagkalas ng Beermen mula 85-83 deficit nasa 5 minuto pa sa fourth, katuwang si June Mar Fajardo.

“Some foot injury and I hope na he can recover the soonest possible time because the teams that we’re going to play the next few games are wanting to win,” dagdag ni Austria matapos ihatid ang SMB sa 5-0 card sa PBA Philippine Cup.

Hindi mamadaliin ng SMB ang pagbalik ni Cabagnot, kailangan ay 100 percent ito pagdating ng playoffs. Nag-a-average si Cabagnot ng 19 points sa conference.