Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

CA Justice Lopez niluklok sa Korte Suprema

0 127

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Court of Appeals Justice Jhosep Ylarde Lopez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Ang appointment ni Lopez ay inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang regular press briefing sa Malacañang.

Ayon kay Roque, ang appointment ni Lopez ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, January 25, 2021.

“Kinukumpirma ko po na ang dating CA Justice Joseph Ilagan Lopez ay natalaga na bilang Associate Justice ng Korte Suprema,” ani Roque.

Umaasa ang Palasyo na paiiralin ng bagong talagang mahistrado ang rule of law at judicial independence pati na ang pagpapatuloy sa mga reporma sa court processes sa hudikatura.

Si Justice Lopez ay produkto ng UP College of Law, dating konsehal, dating Manila City fiscal bago natalagang Court of Appeals Justice. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.