Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

C-Stan pipirmi sa Batang Pier

0 186

NAPASO na ang kontrata ng prized big man ng NorthPort na si Christian Standhardinger noong nakaraang buwan.

Siyam na iba pang Batang Pier ang nag-expire na rin ang contracts.

Sina Sean Anthony, Kevin Ferrer, Garvo Lanete at Sean Manganti ang naiwang may live deals pa sa team ni coach Pido Jarencio.

Nawala si Bradwyn Guinto sa NorthPort pero dumating ang dalawang frontliners na sina Sidney Onwubere at Clint Doliguez mula Rain or Shine.

Related Posts

Nitong Miyerkoles ay inaprubahan na ng tanggapan ni commissioner Willie Marcial ang trade – buena-mano ngayong taon.

Ilang minor details na lang daw ang pinaplantsa sa bagong kontrata ni Standhardinger bago magkapirmahan.

Inaasahang ibabalik din ng Batang Pier ang kahalili ng Fil-German center na si Kelly Nabong.

Hawak ng Batang Pier ang Nos. 2 at 11 sa parating na draft sa March 14, pero wala pang napipisil si Jarencio na posibleng hugutin.

“Alam mo naman ako, walang masamang tinapay. Basta kung sino dumating, para sa akin makakatulong,” pakli ng coach. “Huwag lang duamting bulag, seven-footer nga pilantod naman. Basta importante dumating buo katawan, ayos pag-iisip, okay na ‘yun.” (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.